Beermen, naiuwi ang ikalimang sunod na kampeonato

133

Muling naghari ang San Miguel Beermen sa PBA Philippine Cup matapos masungkit ang ikalimang sunod na kampeonato.

Sa huling dalawang minuto ng 4th quarter ay leading ang Magnolia Hotshots, 71-70.


Dito pumasok ang fadeaway ni Alex Cabagnot para i-angat ang Beermen, 72-71 sa natitirang 57 segundo.

Hindi na pinabigyan ng Beermen ang Hotshots na makapuntos pa matapos makapag-rebound si Jun Mar Fajardo sa huling apat na segundo.

Ayon kay SMB coach Leo Austria – deserving na maging kampeon ang lahat ng koponan pero sila ang namayani.

Itinanghal si Fajardo bilang Most Valuable Player (MVP) na nakapagtala ng all-time high 31 rebounds at 17 points.

Ito na ang 26th championship ang San Miguel.

Facebook Comments

From Advertisers