Beermen, pasok sa finals ng PBA Philippine Cup

Binuhos na ng San Miguel Beermen ang kanilang makakaya upang mapataob ang kalabang Phoenix Pulse Fuel Masters at makapasok sa finals ng PBA Philippine Cup.

Isinara ng Beermen ang laban kontra Phoenix sa iskor na 105-94.

Bumida ang 24 na puntos ni Chris Ross at nag-ambag ng 22 puntos si Alex Cabagnot.


Ayon kay Beermen coach Leo Austria – hindi na siya binigo ng kanyang mga players.

Ito na ang pang-limang sunod na pagpasok ng Beermen sa finals ng makuha nila ang 4-1 sa best of seven semifinals series.

Facebook Comments