Beermen, pinatumba ang Elite sa PBA Commissioner’s Cup

Manila, Philippines – Inilampaso ng San Miguel Beermen ang Blackwater Elite sa score na 124-113 sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup.

Bumida si Charles Rhoes na may 32 points habang mayroong 28 points at seven rebounds si June Mar Fajardo at mayroong 21 points, six rebounds at walong steals si Marcio Lassiter.

Ayon kay Beermen Coach Leo Austria – katakot-takot ang kanilang naging laban sa Elite dahil sa mga naunang quarter ay nauungusan sila ng nasabing kopunan.


Dagdag pa ni Coach Leo – ayaw magpatalo ng kalaban dahil target din nila na makapasok sa top 5.

Sa ngayon, may walong panalo at dalawang talo ang Beermen.
DZXL558

Facebook Comments