Buwaya, nahuli sa bayan ng Rizal, Palawan

Palawan, Philippines – Nakahuli ng buwaya ang isang residente ng Rizal, Palawan ito ay mtapos na aksidenteng pumasok sa baklad sa Bgy.Culasian.
Sabi ni Kgd.Salcedo Bundal, kamakalawa ng umaga laking gulat ng isang residente nang makita ang buwaya na nasa loob ng baklad sa halip na mga isda.
Dahil sa takot ay pinabayaan na lang na at hindi pa rin nakakawala, na tinatayang nasa apat na dipa ang haba.
Liban pa dito, may mga sightings din ng iba pang buwaya sa ilog na nangangain ng mga alagang hayop.
Madalas din daw na umaakyat sa pangpang ang mga buwaya na pinangangambahang makapambiktima ng mga tao.
Sabi naman ni Jovic Fabello, tagapagsalita ng PCSDS, una ng may nahuling buwaya sa Baklad sa Culasian, tinangkang dalhin sa crocodile farm pero namatay rin sa byahe.
Dahil sa panibagong report, pag-uusapan ngayon ng PCSDS at PWRCC ang gagawin sa mga buwayang nasa ilog ng Culasian lalo pa at kinatatakutan na ng mga residente.
DZXL558,*Archie Barone *

Facebook Comments