![San-Miguel-team](https://i0.wp.com/rmn.ph/wp-content/uploads/2017/06/San-Miguel-team.jpg?resize=600%2C568&ssl=1)
Manila, Philippines – Inilampaso ng San Miguel Beermen ang Globalport Batang Pier sa nagpapatuloy na PBA commissioner’s Cup sa iskor na 112-101.
Kumadada ng 34-puntos at limang rebounds si Charles Rhodes habang mayroong 17 points, anim na rebounds naman ang nagawa ni Chris Ross.
Nag-ambag naman ng 15-puntos at walong rebounds si June Mar Fajardo, 13 points si Arwind Santos at Marcio Lassiter habang nakapagtala ng double-double si Alex Cabagnot sa score na 13 points at 10 assists.
Dahil sa panalo ay mayroon ng siyam na panalo at dalawang talo ang Beermen.
DZXL558
Facebook Comments