Nasungkit ng San Miguel Beermen ang kampeonato kontra TNT KaTropa sa game 6 ng PBA Commissioner’s Cup 2019.
Tinapos ng Beermen ang laro sa iskor na 102-90 kung saan, nakuha nito ang 2019 PBA Commissioner’s Cup Title.
Bumida sa panalo ng koponan ang kanilang import na si Chris McCullough na nagpakawala ng halimaw na 35 points habang 19 points na may 13 rebounds naman si five-time MVP June Mar Fajardo.
Nakaambag din sa laro si Christian Standhardinger na may labin-walong puntos.
Habang itinanghal bilang HONDA PBA Press Corps Finals Most Valuable Player si Terrence Romeo na umiskor ng 10 points na may 7 assists sa huling laro.
Matapos makuha ang dalawang panalo sa PBA season ay mas malaki ang tsansa ng Beermen para makuha ang Grandslam habang hawak nito ang pang-walong PBA title.
Samantala, mapapanood naman mamaya ang last round ng elimination ng nagpapatuloy na DZXL Radyo Trabaho Basketball Tournament 2019.
Maghaharap sa first game ang DZXL RT Xanthone Plus team kontra DWWW/iFM sa ganap na alas-2 ng hapon na susundan naman ng Lunas Kalusugan at RMN Head Office sa second game kung saan gaganapin ang laro sa Guadalupe Nuevo Gym sa Makati City.