Belgica, Prank Victim Lamang; Complaint Kay Andaya Sa Ombudsman, Paninira Lang ng mga Kalaban

Nahaharap ngayon sa isang reklamo sa opisina ng Ombudsman si House Majority Leader and Camarines Sur Rep. Rolando Andaya Jr. kaugnay ng violation of the Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials, perjury and falsification for non-disclosure of his properties sa kanyang Statements of Assets, Liabilities and Networth noong taong 2016 at 2017.

Ang reklamo ay inihain ni Greco Belgica ng Presidential Anti-Corruption Commission. Pangunahing punto ng reklamo ang mga sasakyan at mga baril.

Ayon naman kay Andaya, ang isyung ito ay malinaw na bahagi lamang ng demolition job ng kanyang mga kalaban sa pulitika. Ang lahat ng ito ay puno ng kasinungalingan.


Si Andaya ay maagang nagpahayag ng kanyang intention na tatakbo sa pagka-gubernador ng Camarines Sur. Makakaharap niya si incumbent Governor Migz Villafuerte.

Binigyang diin pa ni Andaya na ang nasabing reklamo ay bahagi ng planong siraan siya sa publiko dahil nangunguna na siya sa political survey at malaki ang posibilidad na tatalunin niya ang incumbent governor.

Sinabi pa ni Andaya na hindi sana mangyayari ang harassment na ito kung hindi niya pinakinggan ang boses ng mga taga-Camarines Sur na magkaroon ng bagong lider sa probinsiya para magdala ng pagbabago mula sa masamang pamamahala ng probinsiya sa loob ng matagal ng panahon.

Gayunpaman, umaasa si Andaya na maging patas si Belgica. Sinabi pa ng Majority Floor Leader na kung naisipan lamang umano ni Belgica na magtanong at kunin ang kanyang panig, sana ay nabigyan ang opisyal ng tama at makatotohanang detalye.

Naniniwala si Andaya na si Belgica ay walang kamuwang-muwang na biktima lamang ng isang masaklap na biro o di-kaya’y kabahagi ng patuloy na ginagawang paninira sa kanya.

Nagpahayag din ng pagtataka ang kongresista kung bakit sa libu-libong opisyal ng pamahalaan, sa kanya lamang ito ginawa ng grupo ni Belgica. Ang timing ng paghain ng reklamo – 2 days before the filing of the certificate of candidacy – ay malinaw na paniniralamang ang layon nito.

Binigyang diin pa ni Andaya na kung patas at impartial si Belgica, nararapat din umano na gawin niya ang katulad na SALN Investigation sa kanyang mga kalaban sa politika tulad ng mga Villafuerte sa Camarines Sur.

photo credit: grecobelgica.weebly.com

Facebook Comments