Bello, negative na sa COVID-19

Negatibo na sa COVID-19 si Labor Secretary Silvestre Bello III, limang araw matapos na ianunsyo ng kanyang departamento na nahawaan siya ng respiratory disease.

Kahapon aniya nang magpa-swab siya ay negatibo na ang resulta.

Asymptomatic lamang ang 77-anyos na si Bello at sumailalim siya sa self-quarantine sa kanyang tahanan sa Isabela province.


Nabatid na Mayo nang ma-fully vaccinate ng AstraZeneca ang kalihim.

Facebook Comments