Ben Carson, Tinanggap Na Ang Alok Ni Us President-Elect Donald Trump Na Pamunuan Ang Department Of Housing And Urban Dev

4

UNITED STATES – Tinanggap na ni retired neurosurgeon Ben Carson ang alok ni Us President-Elect Donald Trump na pamunuan ang Department of Housing and Urban Development.Si Carson na popular writer at speaker ay naging malapit na adviser ni Trump sa kasagsagan ng 2016 Republican Presidential primary contest at siya rin ang itinalagang vice chairman ng transition team ni TrumpNabatid na pinag-usapan na rin ni Trump at Carson ang naturang isyu sa thanksgiving day holiday noong nakaraang buwan.Magiging unang African-American na hahawak ng cabinet spot si Carson sa ilalim ng Trump administration.Nakatakdang umupo bilang pangulo ng pinakamakapangyarihang bansa si Trump sa Enero 20, 2017 matapos talunin si Democrat Hillary Clinton noong November 8 presidential election.

Facebook Comments