Sa Kabila Ng Nagye-Yelong Panahon-Marathon Isinagawa Sa Antartica

4

ANTARTIC – Sa kabila ng nagyeyelong temperatura sa Antarctica naging matagumpay ang isinagawang ice marathon na ginaganap taun-taon.Ngayong taon, tinatayang nasa 50-runners ang lumahok sa marathon.Tinakbo nila ang layong 42.2 kilometro sa isang lugar sa Antarctica na kung tawagin ay union glacier.Sinasabing katangi-tangi ang ice marathon hindi lamang dahil sa matinding lamig na kailangang suungin ng mga kalahok.Napanalunan ng taga-Ireland na si Gary Thornton ang karera matapos niyang matapos ang marathon sa loob lamang ng 3 oras at 37.13 na minuto.Panalo naman sa hiwalay na karera para sa mga babae ang taga-Poland na si Joanna Medras na tinapos ang marathon sa loob ng 6 na oras at 1.45 na minuto.

Facebook Comments