Rumesbak si Ben Tulfo matapos magbigay ng maraming kondisyon si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista bago patawarin ang nakababatang kapatid na si Erwin Tulfo.
Inilahad niya ang labis na galit sa kanyang Twitter account. Ikinumpara niya rin kay Padre Damaso ang army general.
Putres na “brotherhood”! ang KAKAPAL! Ayon sa kumag na OIC, mag-sorry daw sa lahat ng media outlet. “BUTAW” na P300k kinakailangan para mahugasan ang kasalanan. Tsong, daig mo pa si Padre Damaso at mga kolokoy na kauri mo! Nagpapatawa ka ba?! #unfiltered
— Ben Tulfo (@bitagbentulfo) June 7, 2019
“Putres na ‘brotherhood’! ang KAKAPAL! Ayon sa kumag na OIC, mag-sorry daw sa lahat ng media outlet. ‘BUTAW’ na P300k kinakailangan para mahugasan ang kasalanan. Tsong, daig mo pa si Padre Damaso at mga kolokoy na kauri mo! Nagpapatawa ka ba?! #unfiltered,” mensaheng isinulat ni Tulfo.
Ilan sa pinapagawa ni Bautista ay paghingi ng patawad sa pamamagitan ng pagpapalathala at pagpapalabas sa iba’t-ibang media organization at pagbibigay ng donasyon na nagkakahalagang 300,000 pesos sa mga institusyon ng pamahalaan.
Ayon pa host ng Bitag, sablay ang ginagawa ng ibang miyembro ng militar ukol sa isyu.
Ginaganahan etong mga kolokoy sa brotherhood. Hindi ko nilalahat, pero ilan sa kanila ay semplang. Ngayon lang ako nakakita ng militar na nag-iinarte, tampururot. Intindihin niyo na lang. #maypresyoangkapatawaran #bitag
— Ben Tulfo (@bitagbentulfo) June 8, 2019
“Ginaganahan etong mga kolokoy sa brotherhood. Hindi ko nilalahat, pero ilan sa kanila ay semplang. Ngayon lang ako nakakita ng militar na nag-iinarte, tampururot. Intindihin niyo na lang. #maypresyoangkapatawaran #bitag“
Payo ni Tulfo, matutong magpatawad kapag bukal sa puso ang paghingi ng paumanhin.
Tinanong niya rin ang taong pinatatamaan ng “baka may matinding pangangailangan, dinadaan lang sa donasyon?”
Kapag ang tao nagpakumbaba, umaamin ng pagkakamali ay hindi dahil natitinag at natatakot. Patatawarin mo o hindi? Dami mong cheche bureche. O baka may matinding pangangailangan, dinadaan lang sa donasyon? #thecolorofmoney
— Ben Tulfo (@bitagbentulfo) June 8, 2019
Wala pang reaksyon si Bautista kaugnay ng bagong patsutsada sa kanya.