Nanindigan ang Department of Health (DOH) na huwag muna magbigay ng ikalawang booster shot ng COVID-19 vaccine sa general population.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, lumalabas sa mga pag-aaral na napakaliit lamang ng ibinibigay na benepisyo ng 2nd booster sa general population.
Sinabi pa ni Vergeire na ang paulit-ulit lamang nilang panawagan ngayon sa publiko ay magpaturok ng ikatlong dose ng bakuna.
Sa harap ito ng tumataas na namang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa kabila nito, tiniyak ni Vergeire na nakahanda ang DOH sakaling magpatuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Facebook Comments