MGA ABANDONADONG KAHOY, KINUMPISKA NG PNP GATTARAN

9
Patuloy ngayon ang pag alam ng PNP Gattran kung sino ang mga nagmamay-ari ng mga tinistis na tablon sa bayan ng Gattrana Cagayan.

Base sa report na natanggap ng PNP Gattaran, halos isang daang board feet na mga kahoy ang naiulat sa kanila na siya namang agad nirespondehan ng mga kapulisan.

Hindi na rin umano nagpakilala ang naturang concern citizen ngunit posible umanong namataan ng mga nagmamay-ari ang pagdating ng mga awtoridad kaya agad tumakas ang mga ito.

Kinumpiska naman ng kapulisan ang mga naturang kahoy upang hindi na ito pakinabangan pa.

Samantala, mariing nagpaalala ang mga awtoridad na mahigpit na ipinagbabawal sa pagputol ng mga punong kahoy.

Facebook Comments