Manila, Philippines – Isinusulong ni Senior Citizens Partylist Rep. Milagros Aquino-Magsaysay ang pagbibigay ng retirement at iba pang benepisyo sa mga naging atleta ng bansa.
Si Aquino-Magsaysay ay co-author ng tatlong panukala na nagsusulong ng mga benepisyo sa mga world athletes ng bansa.
Sa ilalim ng House Bills 0299, 2903 at 2955, itinutulak ang pagbibigay ng pension, retirement, health at death benefits sa mga retiradong atleta na nanalo sa local at international professional sports competition o nakakuha ng world championship titles.
Giit ng kongresista, panahon na para ibalik sa mga retiradong atleta ang karangalan na ibinigay nila sa bansa.
Marami na aniyang senior athletes na wala na sa eksena ng sports ang walang natatanggap na maayos na benepisyo mula sa pamahalaan.
Makikipag-ugnayan ang kongresista sa Philippine Sports Commission (PSC), Department of Social Welfare and Development (DSWD), PhilHealth at Social Security System (SSS) para makabuo ng special benefits package sa mga retired athletes sa Pilipinas.