Benepisyo para sa mga Street Sweepers at Garbage Collectors, Inalmahan!

48

Baguio City, Philippines – Nagbigay ng Direktiba si Mayor Mauricio Domogan sa City General Services Office at sa City Human Resource Management Office na ayusin na ang kompyutasyon sa hazard pay para sa mga garbage collectors at street sweepers sa ilalim ng lokal na gobyerno para sa patuloy napagpapanatili sa kalinisan ng Baguio City.

Ikinalungkot naman ni Baguio City Mayor Mauricio Domogan ang hindi pagpayag ng ilang Health Officials sa hiling nitong mapagbigyan ang hazard pay. Ayon sa kanya ay matindi ang banta sa kalusugan ng mga garbage collectors at street sweepers dahil sa klase ng trabaho na mayroon sila.


Sa palagay mo iDOL, tama lang ba na magkaroon sila ng benepisyo?

Facebook Comments

From Advertisers