Manila, Philippines – Sa Marso o Abril pa posibleng maramdaman ng mga Pilipino ang benepisyong hatid ng rice tariffication law.
Ito ang sinabi sa isang panayam ni Socioeconomic Planning Sec. Ernesto Pernia.
Aniya, depende pa rin kasi ito sa magiging supply at demand ng bigas sa bansa.
Sabi naman ni NEDA USec. On Planning and Policy Rosemarie Edillon – posibleng sa huling bahagi pa ng second quarter o third quarter ng taon maramdaman ang epekto ng batas pagdating sa presyuhan ng bigas.
Habang posibleng umabot ng isa hanggang dalawang taon bago maramdaman ang impact nito sa productivity sa sektor ng agrikultura.
Samantala, may apatnapu’t limang (45) araw ang mga ahensya ng gobyerno para tapusin ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng rice tariffication law.
Kabilang sa mga bubuo ng IRR ay ang Department of Agrculture, National Economic and Development Authority at ang Department of Budget and Management.