Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Nancy Binay sa Department of Foreign Affairs o DFA na isa publiko ang detalye ng permit na ipinagkaloob sa Chinese oceanographers para magsagawa ng scientific research sa Benham Rise.
Diin ni Senator Binay, sa ngalan ng Transparency ay dapat alam ng publiko ang buong detalye ng kung hanggang saan ang tulong na ibibigay ng China sa atin sa pananaliksik sa Benham Rise.
Ikinatwrian ni Binay na ito ay para matiyak na hindi masasakripisyo ang soberenya ng bansa.
Hinihingi din ni Senator Binay sa DFA ang listahan ng mga isinagawang expeditions sa karagatang sakop ng Pilipinas na may papel ang dayuhan.
Paliwanag ng Senadora, dapat mabusising mabuti kung pabor sa intres ng mga pilipino ang lahat ng joint explorations na isinasagawa sa ating teritoryo.