Manila, Philippines – Nilinaw ni Acting DFA Secretary Enrique Manalo na hindi napag-usapan ang Benham Rise sa pagdalaw sa Pilipinas ng Chinese officials noong Enero.
Gayunman ang napag-usapan aniya ay ang South China Sea.
Nilinaw naman ni Manalo na may regular naman na pag-uusap ang Pilipinas at China.
Nilinaw rin ng acting secretary na na-acknowledge na ng China ang claims ng Pilipinas sa Benham Rise.
Inaasahan din aniya nila na magiging produktibo ang pagbisita sa bansa ng Vice Premiere ng China.
Nilinaw din ni Manalo na walang polisiya ang Pilipinas sa research project ng China sa Benham Rise, subalit kailangan aniyang humingi ng permiso sa Philippine government ang sino mang magsasagawa ng aktibidad sa Benham Rise.
Samantala, kinumpirma naman ni acting secretary Manalo na hindi pa rin matukoy ang nationality ng sinasabing limang Pilipinong naaresto sa Malaysia dahil sa pagkakasangkot sa terrorist group.
Wala rin aniyang pinanghahawakang Philippine passports ang mga naaresto.
Kanina, binanggit din ni Manalo ang pag-maintain ng DFA sa independent foreign policy gayunding ang pagiging friendly at cooperative ng Pilipinas sa lahat ng bansa.