MANILA – Posibleng mawala ang mga benipisyong nakukuha ng Pilipinas mula sa European Union oras na maisabatas ang parusang kamatayan sa bansa.Sa nakalipas na dalawang taon – mayroong special treatment ang Pilipinas sa EU dahil sa “generalize scheme of preference” kung saan maliit lamang ang binabayarang buwis ng bansa para sa mahigit 6,000 produktong inaangkat ng mga EU member countries.Pero dahil sa extra judicial killings at sa planong pagbabalik ng death penalty sinabi ni EU Ambassador France Jessen – na pinag-iisipan na ng EU kung dapat pa bang bigyan ng prebelihiyo ang Pilipinas.Iginiit naman ni Trade Secretary Mon Lopez – na dapat maging praktikal ang Pilipinas at isulong ang indipendent foreign policyUna nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na kakausapin niya ang kongreso na ibalik ang death penalty bilang pagsugpo sa mga krimen sa bansa.
Benipisyong Nakukuha Ng Pilipinas Mula Sa European Union – Posibleng Mawala Na Kapag Naibalik Ang Death Penalty Sa Bansa
Facebook Comments