Benito Soliven, Isabela – Isolated na ang ilang mga lugar ng Benito Soliven, Isabela dahil sa patuloy na pag uulan na nararanasan sa naturang lalawigan.
Batay sa panayam ng RMN News Team kay Municipal Disaster Risk Reduction Management (MDRRMO) Officer Roxanne Lungan, nasa Alert Level 1 na ang kanilang tanggapan simula pa kahapon matapos ang naitalang pagguho ng lupa sa ilang lugar ng naturang bayan.
Dagdag pa nito na anumang oras ay magpapatupad sila ng pre-emptive evacuation dahil ang Sitio Fugo, Maluno Norte ay isolated na sa mga oras na ito.
Naka alerto rin ang Benito Soliven MDRRMC dahil sa paglaki ng ilog Pinacanauan na tiyak na makakaapekto sa mga nakatira malapit sa Pinacanauan River partikular sa Barangay Yeban Norte ng naturang bayan.
Samantala, patuloy ang kanilang ginagawang monitoring at koordinasyon upang matugunan ang epekto ng nararanasang pag-ulan dulot ng Tail-end of a Cold Front na nakakaapekto sa Hilagang Luzon.