BUONG SUPORTA | Hanay ng Philippine Navy, tiniyak ang suporta sa bagong acting navy flag Officer In Command

Manila, Philippines – Siniguro ng Philippine Navy na buo ang kanilang suporta sa bagong-talagang Acting Navy flag Officer In Command na si Rear Admiral Robert A. Empedrad.

Sa isang statement, sinabi ni Navy Spokesman Capt. Lued Lincuna na ang Phil Navy ay isang propesyonal na organisasyon at patuloy na gagampanan ang mandato nito na protektahan ang mga mamayan at ang estado, kasunod ng pagpapalit ng liderato nito.

Pinalitan ni Rear Admiral Empedrad si Dating FOIC Vice Admiral Ronald Joseph S Mercado na inilipat sa Office of the Chief of staff “on special duties.”


Hindi inilahad ni Capt. Lincuna ang dahilan ng biglaang pagpapalit ng liderato ng Philippine Navy kahapon, pero sinabi ng opisyal na maraming kwalipikadong indibidwal na pwedeng mamuno sa Philippine Navy.

Kasabay nito, ipinaabot ni Capt. Lincuna ang pasasalamat ng Philippine Navy Kay Vice Admiral Mercado sa kanyang dedikadong pagseserbisyo bilang dating FOIC.

Facebook Comments