Benta ng mga parol, unti-unti nang gumanda ayon sa ilang tindero nito

Mangiyak-ngiyak si Aling Mameng ang may-ari ng Aling Mameng Lanter sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA Road Teldera Dos, Pasay City, habang kinu-kwento nito na mas gumanda na ang benta nila ngayon ng mga parol kumpara noong nakaraang taon.

Dahil ngayon nga ay niluwagan na ang COVID-19 restrictions, kasama na ang pagbubukas ng maraming negosyo, kasabay ng pagbaba ng COVID-19 Alert Level 2 sa Metro Manila.

Aniya, kung dati ay halos nagsara ang kaniyang negosyo dahil sa pandemya, ngayon ay bumabalik na ang kaniyang mga suki.


Sa muling pagbubukas ng kaniyang tindahan ng parol, hindi naman sila nagtaas ng presyo ng mga parol.

Dahil naiintidihan niya aniya na halos wala pang kita ngayon ang mga tao, pinapayagan din niya na tumawad ang kaniyang mga customer.

Sa kaniyang tindahan, nasa 700 pesos ang pinakamurang parol na pwedeng mabili at 7,000 naman ang pinakamahal.

Sinabi naman nito, kampante naman siya laban sa banta ng COVID-19 dahil lahat sila ay bakunado laban sa naturang sakit.

24 hours bukas ang kaniyang tindahan na minana pa niya sa kaniyang magulang at galing Pampangga ang kanilang mga parol at ang iba naman ay sarili nilang gawa.

Facebook Comments