CAUAYAN CITY- Sa kabila ng inaasahang pagtaas ng bentahan noong Holiday Season ay nanatiling matumal ang bentahan ng bigas sa Lungsod ng Cauayan.
Ayon kay Franz Sanchez, nagbebenta ng bigas, hindi nagbago ang presyo ng bigas sa pamilihan, subalit ramdam ang pagbawas sa demand nito.
Aniya, marami ang mas pinipili ang pagbili ng bigas kada kilo dahil mas abot-kaya ito kaysa sa pagbili ng buong sako.
Dagdag pa rito, ang pagdami ng mga nagbebenta ng bigas sa labas ng pamilihan, na may mas mababang presyo, ay nagiging dahilan ng paglipat ng mga mamimili sa kanila.
Sa kasalukuyan, ang presyo ng bigas sa palengke ay nananatili sa P40-P58 kada kilo, habang ang presyo ng sako ay naglalaro mula P1,000 hanggang P1,350.
Facebook Comments