BENTAHAN NG BIGAS SA PALENGKE NG CAUAYAN CITY, MATUMAL

Cauayan City, Isabela- Matumal pa rin ang bentahan ng bigas sa pribadong palengke ng Cauayan City, Isabela.

Ang ilang tindera ay kanya-kanyang diskarte para mabenta ang kanilang mga saku-sakong bigas.

Batay sa price monitoring, ang bigas na R64 ay mabibili sa 42 pesos ang kada kilo, brown at black rice at mabibili naman sa 80 pesos ang kada isang kilo.

Nagmahal din ang klase ng bigas na Jasmin at Double Diamond kung saan nasa 50 pesos ang kada kilo.

Pinakamura naman ang regular milled rice local na mabibili sa 38 hanggang 39 pesos ang kada kilo.

Ilan sa mga tindera ng bigas ay problema ang halos walang mapagbentahan sa kanilang paninda na sinabayan pa ng renta sa kanilang inuupahang pwesto sa palengke.

Naglalaro naman sa 700 hanggang 1,100 ang presyo ng kada 25 kilos ng bigas depende sa klase nito.

Facebook Comments