BENTAHAN NG GULAY SA PANGASINAN, MATUMAL

URDANETA CITY, PANGASINAN – Matumal ang bentahan ngayon ng mga gulay sa sa probinsiya ng Pangasinan dahil sa naging epekto ng ECQ at dahil na rin sa bahagyang epekto ng bagyong Ambo. Sa Pangasinan Agri-Pinoy Trading Center sa Urdaneta City, dumadaing ang maraming tindera dahil sa pahirapan ang delivery ng mga gulay. Sinasabing dahilan umano ay ang sobrang higpit na mga checkpoints noong mga nakaraang linggo.

May mga gulay na binabagsak na lamang ang presyo dahil sa tumal ng mga mamimili. Tulad na lamang ng kamatis na madaling masira, samantalang mataas naman ang presyo ngayon ng talong, sitaw, kalabasa at okra dahil sa kakaunting suplay.

Inaasahang manunumbalik na sa dating presyo ng mga gulay sa darating na mga araw, ngayong nasa ilalim na ng GCQ ang probinsiya.


Facebook Comments