BENTAHAN NG KARNE NG BABOY SA DAGUPAN CITY, MATUMAL AYON SA MGA MEAT VENDOR MALIMGAS PUBLIC MARKET

Matumal pa ang bentahan ng mga karne ng baboy sa Dagupan City partikular na sa Malimgas Public Market.
Matagal na ng huling gumalaw ang presyo ng karne ng baboy ngunit ramdam na ramdam umano ng mga meat vendor ang matumal na bentahan at tila umiiwas umano ang mga tao dahil sa mataas pa ring presyo nito.
Ngunit suspetsa naman ng ilang nagtitinda sa palengke ay nag-iipon lamang umano ang mga tao ng kanilang pera para sa paparating na kapaskuhan at umiiwas sa karne ng baboy sa takot umano na mahighblood.

Samantala, nasa 320-340 ang presyuhan ngayon ng karne ng baboy sa merkado kung saan patuloy din ang pag-inspeksyon ng mga meat inspector sa mga bentang karne upang masiguro na ligtas kainin ang mga ito. | ifmnews
Facebook Comments