*Cauayan City, Isabela- *Humina ang bentahan ng karne ng baboy sa Cauayan City Public market kasunod ng balitang pagkakasakit ng mga baboy sa ibang lugar.
Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginang Judith Dalmacio, isa sa mga meat vendor sa naturang pamilihan, dalawang buwan nang matumal ang kanilang benta sa karne ng baboy dahil na rin isyu ng African Swine Fever (ASF) na naitala sa mga alagang baboy sa ilang mga lugar sa bansa.
Kaugnay nito, una nang nilinaw ng tanggapan ng Cauayan City Veterinary Office na ligtas at negatibo sa ASF ang mga ibinebentang karne sa Lungsod dahil dumaan ang mga ito sa slaughter house at pagsusuri kaya’t walang dapat na ipangamba ang publiko.
Sa ngayon ay naglalaro pa rin sa presyong 180 pesos hanggang 200 pesos ang kada kilo ng karne ng baboy sa public market ng Lungsod ng Cauayan.