Bentahan ng karne ng manok sa ilang palengke sa Maynila, matumal pa rin

Manila, Philippines – Apektado pa rin ng bird flu outbreak sa Pampanga ang tatlong pangunahing palengke sa Maynila.
Matumal o walang gaanong bumibili ng karne ng manok sa meat section ng San Andres, Quinta at Quiapo market.

Ayon kay Aling Lily castro, tindera sa Paco market, kahit anong paliwanag nila na galing sa malalaking kumpanyaang kanilang paninda , naniniguro pa rin ang mga mamimili na lumipat muna sa pagkain ng karne ng baboy at isda.

Kahit aniya nagtapyas na sila ng kinse pesos sa presyo ng kanilang paninda, nilalangaw pa rin ang kanilang panindang manok.


Nagkakaisa ang tinig ng mga vendors na magsagawa ang Department of Agriculture at Department of Health ng malawakang information dissemination para hindi maapektuhan ang pagnenegosyo sa manukan.

Facebook Comments