Bentahan ng manok sa Pampanga, balik normal na

Pampanga – Balik na sa normal ang bentahan ng mga manok sa Pampanga matapos kumpirmahin ng gobyerno na ligtas na ang mga ito sa bird flu.

Ayon sa poultry farm owners, napawi na kasi ang takot ng publiko kaya nagbalik na ang sigla sa bentahan ng mga manok.

Laking tuwa naman ng ilang tindera dahil halos dalawang linggo rin silang natigil sa pagtitinda ng manok.


Nakatulong anila ang pagkain ni Pangulong Rodrigo Duterte ng manok para lamang mapaniwala ang publiko na ligtas na itong kainin.

Matatandaang mismong ang Dept. of Agriculture na rin ang nagbigay ng go signal sa pagbebenta ng manok at iba pang poultry products, basta mayroon itong sapat na dokumento gaya na shipping permit at veterinary health certificate.

Facebook Comments