Limang miyembro ng NPA, sumuko sa Sultan Kudarat

Manila, Philippines – Sumuko ang limang miyembro ng New People’s Army sa Philippine Army sa Sen. Ninoy Aquino, Sultan Kudarat.

Sabi Ni Lt. Col. Harold Cabunoc, Commanding Officer ng 33rd Infantry (makabayan) Battalion, ang mga rebelde ay mula sa platoon myphone ng guerilla front 73 sa ilalim ng pamumuno ni Ka Macmac.

Kabilang sa mga sumuko ay sina Misuari Digan, Ome Digan, Adot Digan, Siale Digan at Eson Digan.


Sumuko rin ang isang child warrior na kinilala lamang sa pangalang Siale na ni-recruit ng rebeldeng grupo noong 2015.

Isinuko din ng mga ito ang tatlong armas kabilang ang isang cal .30 m1 garand, cal 30 m2 carbine at isang 40mm m79 grenade launcher.

Kwento ni Misuari Diga, nakumbinsi siyang sumapi sa grupo matapos pangakuan na tutulungan silang mabawi ang kanilang lupa.

Facebook Comments