Bentahan ng mga karneng baboy sa Metro Manila, matumal dahil sa pagtaas ng presyo

Tumaas muli sa ilang pamilihan sa Metro Manila ang presyo ng karneng baboy na ngayon ay nasa P370 to P400 na kada kilo.

Ayon sa ilang nagtitinda ng karneng baboy, matumal ang bentahan ngayon dahil buwan-buwan tumataas ang presyo ng karne.

Nadagdagan ng P20 hanggang P30 ang itinaas ng presyo ng karne ngayong Pebrero kumpara noong Enero.


Kabilang ang karneng baboy sa tinutukoy ng Philippine Statistics Authority (PSA) na isa sa pangunahing commodities na nag-ambag sa overall inflation ngayong Enero.

Noong nakaraang linggo ay sinabi ng Department of Agriculture (DA) na pinag-aaralan na nila na magtakda ng maximum suggested retail price (M-SRP) sa mga karneng baboy sa Metro Manila dahil sa sunud-sunod na pagtaas ng presyo nito sa mga pamilihan.

Facebook Comments