Proseso ng impeachment case ni VP Sara Duterte, hindi dapat madaliin

Nilinaw ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na prayoridad pa rin naman ng Senado ang impeachment ni Vice President Sara Duterte.

Ito’y kahit hindi na nabanggit sa plenaryo sa huling araw ng sesyon ang tungkol sa natanggap na articles of impeachment laban kay Duterte na mula sa Kamara.

Paalala ni Pimentel, ang Senado ang tatayong korte kaya hindi dapat maging excited o atat sa magiging proseso nito.


Sinabi nito na dahil impeachment court ang Mataas na Kapulungan ay dapat normal at relax lang ang kanilang pagkilos tungkol sa tuluyang pagpapatalsik kay VP Sara.

Paliwanag pa ng senador hindi agad naisalang sa plenaryo ang impeachment dahil ire-report pa ito ng Senate secretary sa opisina ng Senate President subalit judgment call na ng lider ng Senado kung isisingit ito sa sesyon kahit katatanggap pa lang at wala rin sa agenda.

Facebook Comments