BENTAHAN NG MGA PAMPASWERTE SA PAGSALUBONG NG CHINESE NEW YEAR SA DAGUPAN CITY, INAASAHANG LALAKAS SA MGA SUSUNOD NA ARAW

Inaasahang lalakas ang bentahan ng mga pampaswerte sa pagsalubong ng Chinese New Year ngayong linggo sa Dagupan City.
Ayon sa ilang tindera ng pampaswerte sa lungsod, bago ang linggo ng Chinese ng Year may mga umorder na sa kanila ng mga lucky charms at chinese figurines.
Kadalasan umano sa kanilang mga customer na umoorder ng maramihan ay mga half chinese at half filipino na negosyante na pinang-reregalo sa kanilang mga empleyado.

Inaasahan pa nila na ngayong linggo ay lalo pang tatangkilikin ang mga pampaswerte dahil sa patuloy umanong pagyakap ng mga Pilipino sa paniniwala at kultura ng mga Tsino.
Paalala naman ng mga feng Shui expert na ang mga pampaswerte bagay ay gabay lamang sa buhay at mas mainam pa rin ang panalangin at pagsisikap. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments