Pagtatatag ng National Education and Workforce Development Plan, suportado ni PBBM

Suportado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang rekomendasyon ng Private Sector Advisory Council na magtatag ng National Education and Workforce Development Plan.

Ayon sa pangulo, patuloy na tututukan ang skills training at workforce development para mai-akma ito sa mga pangangailangan ng industriya.

Layon nitong lumikha ng mas maraming oportunidad sa graduates at pagpapalago ng ekonomiya para sa kapakinabangan ng bawat Pilipino.


Pinatututukan din ng pangulo ang semiconductor at electronics industry kabilang ang pagbibigay ng insentibo sa semiconductor companies.

Malaki aniya ang potensiyal na maibibigay ng industriya sa ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng exportation.

Facebook Comments