Bumagsak ang bentahan ng mga sasakyan sa Pilipinas nitong Hunyo sa halos kalahating porsyento o 51.2%, kumpara sa kaparehong buwan noong 2019 dahil sa COVID-19.
Base sa inilabas na datos ng Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines Inc. (CAMPI) at ng The Truck Manufacturers Association (TMA), umabot lang sa 15,578 units ang naibenta nitong Hunyo, mababa ng 51.2% mula sa 31,950 units na naibenta nakaraang taon.
Mula Enero hanggang Hunyo, 2020, 85,041 units lang din ang naibenta ng CAMPI at TMA, mas mababa sa 174,135 na naibenta sa kaparehong anim na buwan noong 2019.
Nangunguna sa bentahan ang Toyota Motors Philippines Corp., sinundan ng Mitsubishi Motors Philippines Corp. at ng Nissan Philippines, Inc.
Facebook Comments