Dalawang tulak umano ng ilegal na droga sa Taguig City, arestado sa buy-bust operation

Sinalakay ng mga otoridad ang isang bahay na pugad umano ng ilegal na droga sa Bonifacio St., Brgy. Sta. Ana, Taguig City pasado alas-6:15 kagabi.

Arestado naman si Gabriel Malanay, alyas “Gabby”, 43-anyos na target naman ng nasabing opersayon at ang kasama nitong babae na si Kersey Anne Sese Menguito, 27-anyos.

Nakuha mula sa bahay ng suspek ang limang gramo na umano’y droga na may katumbas na halagang ₱34,000.


Narekober din ng mga pulis ang ₱200 na perang ginamit bilang buy-bust money at isang android cellphone na pinaniniwalaan ng mga pulis na maaaring naglalaman ito ng mga contact number ng mga parokyano at pinagkukunan ng ilegal na droga.

Ginawa ang nasabing operasyon matapos makumpirma ang ilegal na transakyon ng mga suspek kaugnay sa ipinagbabawal na droga sa naturang lugar.

Nakakulong na ang mga suspek sa Taguig City Police Station at nahaharap ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments