Kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) na nagdedelikado na pansamantalang maantala ang bentahan ng sibuyas sa Kadiwa store.
Ayon kay DA Asec. Kristine Evangelista, posibleng hanggang ngayong araw na lang muna mayroong bentahan ng murang sibuyas.
Paliwanag ni Evangelista, ubos na ang murang sibuyas na sinusuplay ng Food Terminal Incorporated o FTI sa Kadiwa store.
For replenishment na umano ang supply ng murang sibuyas kung saan ay hinihintay pa nila ang panibagong supply ng sibuyas na idedeliber ng FTI.
Dagdag pa ni Evangelista na aabot sa 300 metriko tonelada ang ipinangakong supply ng FTI pero kulang sa nabanggit na supply ang nakuha ng FTI.
Sa ngayon aniya ay nakikipag-ugnayan pa sila sa mga kooperatiba at asosasyon ng mga magsasaka para sa supply ng sibuyas kung saan ay mag-uusap ngayong araw ang FTI at DA kung mayroong pang makukuha na sibuyas na maibebenta sa murang halaga.