Bentahan ng overprice na Remdesivir, iniimbestigahan na ng DOH at DTI

Iniimbestigahan na ng Department of Health (DOH) ang mga report na umano’y may overprice sa bentahan ng Remdesivir na isang anti-viral drug para sa COVID-19 treatment

Kasunod na rin ito ng reklamong natanggap ng DOH mula sa mga pasyente na umaabot sa P27,000 ang presyo ng Remdesivir na dapat ay nasa P1,500 hanggang P8,000 lang.

Sa interview ng RMN Manila kay DOH Secretary Francisco duque III, sinabi nito na ipinag-utos na niya sa hepe ng DOH-Pharmaceutical Division na makipag-ugnayan sa Department of Trade and Industry (DTI) para sa regulasyon ng presyo ng Remdesivir.


Babala ng kalihim, maaaring managot sa batas ang sinumang matutukoy na nagsasamantala sa presyo ng mga gamot lalo na’t nahaharap ngayon ang bansa dahil sa pandemya.

Facebook Comments