Isang landing craft tank vessel, lumubog sa Albuera, Leyte

194

Lumubog ang isang landing craft tank vessel sa Albuera, Leyte.

Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) Spokesman Commodore Arman Balilo, sa inisyal na ulat ang LCT Jacqueline Star ay inabandona ng mga crew nito sa baybayin ng Albuera dahil sa bagyo.


Ang barko ay pag-aari ng Roble Shipping Company.

May laman itong 4,000 litro ng diesel at mayroong isang drum ng hydrolic oil.

Para maiwasan ang oil spill, sinabi ni Balilo na maglalagay ang PCG ng oil spill boom sa lugar kung saan lumubog ang barko.

Facebook Comments