Bentahan ng paputok sa Bocaue, Bulacan, sumigla kahit nagmahal

Mas masigla ngayon ang bentahan ng mga paputok sa Bocaue, Bulacan.

Ngayong taon kasi, bukas ang Bocaue para sa mga bumibili ng paputok hindi gaya noong nakaraang taon kung saan nagpatupad ng total firecracker ban si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Pero bilang pag-iingat, tuloy-tuloy ang pag-iinspeksyon ng Philippine National Police at ng Bureau of Fire Protection sa mga pagawaan at tindahan ng paputok.


Sa ngayon, 19 na insidente na ng sunog ang naitala ng BFP dahil sa paputok, mas mataas kumpara sa bilang noong 2021 na nasa pito lamang.

Samantala, gaya ng mga presyo ng bilihin ay tumaas din ang presyo ng mga paputok sa Bocaue dahil sa pagmahal din ng presyo ng mga sangkap sa paggawa nito.

Facebook Comments