Ang parol ang isa sa mga tradisyong sumisimbolo ng kapaskuhan sa Pilipinas, at sa Dagupan City, patuloy pa rin ang pagtitinda ng mga palamuting ito.
Sa Barangay Caranglaan, muling umilaw ang hanay ng mga tindang parol na taunang inaabangan ng mga mamimili tuwing papalapit ang pasko.
Ayon sa ilang nagbebenta, nagsimula ang bentahan noong huling linggo ng Agosto, ngunit halos walang benta hanggang Setyembre dahil sa sunod-sunod na bagyo na nakaapekto sa paggalaw ng mga tao at negosyo.
Lumakas lamang umano ang bentahan matapos ang Undas, na itinuturing na peak ng bentahan kung kailan madalas umanong dumadagsa ang mga mamimili upang maagang makapili ng dekorasyon.
Dalawang linggo bago ang Pasko, humina na umano ang bentahan mula noong Nobyembre.
Aminado ang mga nagbebenta na mababa pa rin ang kanilang kita dahil tumaas ang presyo ng mga materyales, kabilang ang strip lights na pangunahing ginagamit sa paggawa ng mga parol.
Dahil dito, nagtaas din ang presyo ng kanilang paninda na ngayon ay naglalaro mula ₱1,000 hanggang ₱5,000 depende sa laki at disenyo.
Kumpara noong nakaraang taon, bahagyang mas malakas ang bentahan ngayon, ayon sa ilang tindero.
Sa kabila nito, umaasa silang maibebenta pa rin ang lahat ng kanilang paninda bago sumapit ang Pasko upang mabawi ang puhunan at makaiwas sa pagkalugi.
Sa gitna ng hamon ng mataas na presyo at pabago-bagong panahon, naniniwala pa rin sila sa kahalagahan ng mga parol sa bawat tahanan tuwing sasapit ang kapaskuhan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









