Bentahan ng police uniform online, hinigpitan

Pumasok sa kasunduan ang Philippine National Police (PNP) sa e-commerce na Lazada.

Ayon kay PNP- Public Information Office (PIO) Chief Police BGen. Red Maranan, layon ng nasabing Memorandum of Understanding (MOU) na matuldukan ang mga krimen na kinasasangkutan ng mga nagpapanggap na pulis.

Aniya, maluwag kasi ang bentahan ng mga police uniform online kung saan may mga report silang natatanggap na nagkalat na rin ang bentahan ng police uniform kahit sa hindi mga lehitimong pulis.


Ani Maranan, sadyang mapanganib ito dahil pwede itong masamantala ng mga kriminal at gamitin sa paggawa nila ng krimen.

Sang-ayon sa MOU lahat ng nagtitinda ng mga uniporme ng pulis ay dapat na nakarehistro.

Dapat ding manghingi muna ng identification card ang mga nagtitinda sa kanilang mga customer para matiyak na lehitimong pulis ang kanilang katransaksyon.

Nabatid na ipinagababawal sa batas ang iligal na pagbebenta ng uniporme ng pulis alinsunod sa Article 179 ng Revised Penal Code o RA 3815.

Ang sinumang lalabag dito ay posibleng makulong ng 6 hanggang 12 taon.

Facebook Comments