Fake news walang puwang sa makabagong lipunan – PBBM

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na gumagawa ng hakbang ang gobyerno sa ilalim ng kanyang administrasyon para labanan ang fake news.

Sa talumpati ng pangulo sa 14th International Conference of Information Commissioners, sinabi nitong para labanan ang disinformation at misinformation ay ilang kampanya ang ilulunsad digitally.

Ito ay ang pagsasagawa ng media information literacy campaign na ang approach ay youth oriented.


Siniguro din ng pangulo ang patuloy na pagpapatupad ng freedom of information program sa executive sa pangunguna ng Presidential Communications Office (PCO).

Kasabay nito’y nanawagan din ang presidente sa lahat ng ahensiya ng gobyerno na panatilihin ang access ng publiko sa freedom of information.

Facebook Comments