BENTAHAN NG ROSAS AT KANDILA SA DAGUPAN CITY, MATUMAL AYON SA MGA VENDORS

Nararanasan ngayon ng mga candle at flower vendors ang matumal na bentahan ng mga kandila at bulaklak sa Dagupan City sa pagdaos ng Undas 2023.
Ayon sa mga ito, hindi raw kalakasan ang bentahan ngayon at isang nakikitang dahilan ay ang pagdami ng mga iba pang nagbebenta ng mga produkto.
May pagtaas din sa presyo ng kandila at bulaklak depende pa sa laki ng bibilhing produkto.

Kung hindi naman daw mabenta lahat pagkatapos ng pagdaos ng Undas ay maaari nilang ibalik ang mga kandila sa pinagkukunang pabrika at maibabalik ang naipagbiling pera.
Ang mga bulaklak naman, ibinaba ng 200 pesos, ang pinakamalaki, mula 850 nasa 650 na ngayong hapon lamang dahil sa tumal ng bentahan nito.
Dagdag pa ng mga manlalako na mas marami rin daw ang dagsa ng mga tao noong nakaraang taon, kumpara ngayon kaya’t pati benta ng mga ito ay apektado. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments