HEALTH CHECK AT IBA PANG SERBISYO PARA SA MGA BUMIBISITA SA SEMENTERYO SA LALAWIGAN NG PANGASINAN, HATID NG KAPULISAN

Hatid ng mga naitalagang police personnel sa ilang mga sementeryo sa mga bayan at lungsod sa lalawigan ng Pangasinan ang health check para sa mga bumibisita sa kanilang yumaong mga kaanak.
Nagsasagawa ang mga ito ng libreng blood pressure monitoring para sa mga  vPangasinenseng hindi maiwasan ang mahilo at makaramdam ng masama sa katawan.
Kabilang din ang paglalagay ng mga nametags na may address at contact number sa mga bata upang maiwasan ang insidente ng pagkawala ang isinasagawa ng mga itinalagang police personnels.

Iba pang kapulisan mula sa lalawigan ang nagpapamahagi rin ng kandila, libreng inumin maging sabon at toothpaste.
Nagpapatuloy ang pag-antabay ng mga ito lalong lalo na para sa mga bumibisita na nangangailangan ng tulong.
Samantala, sa kasalukuyan ay dagsa na rin ang mga sementeryo sa Pangasinan at mas pinili raw talaga ang hapon na oras upang maiwasan ang siksikan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments