Bentahan ng shabu, inaasahang lalakas ngayong ‘ber’ months – PNP

Manila, Philippines – Inaasahan na nang Phil. National Police ang paglakas ng bentahan ng shabu sa bansa ngayong pumasok na ang ber months.

Ayon kay PNP Chief Ronald Bato dela Rosa, tumataas kasi ang demand ng shabu dahil sa mga party sa holiday season.

Kaya naman, tiniyak ni dela Rosa na palalakasin nila ang police visibility o pagpapakalat ng mga pulis sa mga matataong lugar.


Ito ay upang mapigilan ang anumang krimen.

Imomonitor din anya nila ang crime trend para mapagsabihan ang mga commander sa mga lugar na may mataas na krimen na ayusin ang kanilang trabaho.

Facebook Comments