Manila, Philippines – Hindi na nangyayari pa ang pagtaas ng krimen tuwing sasapit ang ber months o panahon ng kapaskuhan.
Ito ang inihayag ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa harap na rin ng pangamba ng ilan na tataas na naman ang krimen dahil sa nalalapit na ber months.
Katwiran ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde, nagpapatuloy ang kanilang maigting na operasyon kontra krimen kaya kahit sumapit pa ang ber months hindi na nakakaubra ang mga kriminal.
Ipinagmalaki pa ni Albayalde na nitong nakalipas ng dalawang taon wala silang na-monitor na pagtaas ng krimen partikular sa pagpasok ng ber months kaya tiwala siyang ngayong taon ay muling hindi makakaubra ang mga kriminal.
Sa ngayon aniya walang tigil ang kanilang operasyon kontra krimen.
Batay sa mga rekord ng PNP malimit na krimen tuwing ber months ay crime against property.