WALANG FOREVER | Lalaki sa India, buong gabing naglagay ng sorry ad sa billboards para mapatawad ng minamahal

India – Para makuha muli ang matamis na “oo” ng kanyang girlfriend matapos na makipag-break.

Isang businessman sa India ang gumawa ng kakaibang gimik para lang mapatawad siya ng kanyang minamahal.

Ginugol ng 25-years old na si Nilesh Khedekar ang buong gabi para ikabit ang nasa tatlong-daang billboards na nagkakahalaga ng 53,000 pesos sa lugar kung saan nakatira ang kanyang girlfriend.


Nakalagay sa mga billboards ang “Shivde, I am sorry!”.

Ikinagulat naman ito ng mga nakatira sa Pimple Saudagar kung saan naging viral pa ito sa social media.

Marami ang kinilig sa ginawa ng binata at sinasabing sweet daw ito.

Pero sa kabila nito, hindi nagtagumpay si Khedekar kung saan ipinabaklas ng local authority ang mga billboard matapos magreklamo ang ilan sa mga residente.

Facebook Comments