Berhin sa isang Orphanage, lumuha ng dugo?

General Santos City—nanatiling kababalaghan para sa mga Madre ng St. Agnes Orphanage ang pagluha umano ng dugo ng Berhin ni St. Bernadeth na nasa bakuran ng nasabing Orphanage sa may Purok San Jose, Upper Baluan, Gensan.

Sa interview ng RMN Gensan news team kay Sister Mabel, isa sa tagapangalaga ng Orphanage, sinabi nito na alas 6:00 ng gabi noong Pebrero 6 nang nakita ng mga bata na may patak ng dugo ang pisngi ng Imahe .

Nagulat umano sila dahil unang pagkakataon ito na silay nakakita ng dugo sa pisngi ng nasabing imahe. Malaki ang paniniwala ni Sister Mabel na may mensaheng nais iparating ang berhin kaya ito lumuha ng dugo.


Hindi rin nila alam kung ano ang mensahe na nais nitong iparating. sa ngayon hindi muna nagpapasok ng mga outsider ang pamunuan ng St. Agnes para maiwasan na pagkakaguluhan ang nasabing Birhen.

Napag-alaman na i-dinonate lang ng isang Deboto ang Rebolto ni St. Bernadeth sa St. Agnes Orphanage ilang taon na ang nakaraan. Binili umano ito sa isang tindahan ng mga imahe ng mga Santo dito sa Gensan.

Facebook Comments