Bermuda, nananatili sa red list ng Pilipinas

Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na ang Bermuda lamang ang nag-iisang bansa na nasa red list ng Pilipinas.

Ang mga nasa yellow list naman ay ang mga bansa o teritoryo na nasa moderate risk.

Nilinaw naman ng BI na ang mga pasahero mula sa green at yellow countries ay kailangang sumailalim sa quarantine at testing protocols ng Bureau of Quarantine (BOQ).


Sa ngayon, nananatili rin ang pinaiiral na travel restrictions sa international travelers kung saan mga Pilipino lamang, balikbayan at mga dayuhan na may valid at existing visa ang pinapayagang pumasok ng Pilipinas.

Facebook Comments